Catriona Gray humuhingi ng 10M damages at “public apology” mula sa tabloid Bulgar na nag-ulat na may kumakalat umanong nude photo ang former Miss Universe noong July 18.

Noong July 19 naman ay itinaggi ng kampo ni Catriona ang nasabing nude photo. Ayon sa kanila, fake at digitally altered ang mga photos na inilabas ng tabliod.

Ito raw ay nakasira sa magandang reputasyon at nagdulot ng matinding kahihiyan at “immeasurable damage” kay Catriona lalo na dahil isa itong public figure at nagdala ng karangalan sa bansa nang manalo sa 2018 Miss Universe.

Bagama’t hindi raw tinanggap ng pamunuan ng Bulgar ang nasabing demand letter na may petsang July 30, ay gagawin umano nila ang lahat para mapanagot ang may kasalanan.

Handa umano nilang gawin ang kasunod na legal action sakaling hindi mag-comply ang Bulgar sa kanilang demands matapos ng sampong araw.