Nilinaw ni Michael V sa pamamagitan ng kanyang Instagram post na ang mga kumakalat niyang pro-Duterte quote sa internet ay matagal ng nangyari. “4 YEARS AGO” pa raw niya ito pinost “nu’ng nanalo si Digong as President. To set the records straight, it’s NOT A RECENT POST.”

Wala raw problema sa kanya kung gamitin ito sa tamang dahilan pero nakiusap siya na huwag na itong gamiting campaign material ngayon.